Sabado, Marso 4, 2017

Ang mga Kababaihan ng Noli Me Tangere

Hello po sa mga nagbabasa nito! Ako po si Joseph Ruzzle S. Rallos at ginawa ko po itong Blog na ito upang malalaman ng mga taong gaya ninyo na humahanap ng mga kasagutan ukol sa mga babaeng karakter ng Noli Me Tangere. Ang mga sumusonod ay ang mga kababaihan sa Noli Me Tangere:

Maria Clara - Siya ang napakamagandang at mahinhin na kasintahan ni Crisostomo Ibarra, masasabi kong ubod siyang minamahal at ubod ring hinahangaan ng buong taumbayan dahil sa kanyang kagandahan at pagkabusilak na puso. Maitututring siyang isa sa mga mabuting halimbawa ng mga kababaihan noon. Maihahalili ito sa kagandahang loob sa lipunan kung saan iilan lang noon.

Tiya Isabela - isa siyang relihiyosang babae na nagpupumilit na magdilang-Espanyol ngunit hindi naman nakakyahan. Masasabi kong hindi siya mapagmahal sa kanyang kulturang Pilipino at mas pinapahalagahan niya ang mga Espanyol kaysa mga kalahi nating mga Pilipino. Maisasalamin ito sa iba na kinakahiya ang sariling wika at kultura ng bayang banyaga.

Salome - siya ay maganda rin tulad kay Maria Clara, kaakit-akit ang mga mata, maliita ang ilong, at makipot ang bibig. Pero ang nakahihigit doon ay ang kanyang katatagan noong nagpasya siyang manirahan na malayo sa bayan na kasama si Elias, na kanyang kasintahan at noong nagpaalam si Elias sa kanya dahil tinutugis siya ng mga guwardiya sibil. Nahahalili ito sa katatagan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga iba't ibang dayuhan lala na sa paglalaban para sa kalayaan at kakilanlan ng sariling bansa.

Sisa - siya ang ina nina Basilyo at Crispin. Mayroon noong siyang bakas ng kagandahan ng kabataan, ngunit dahil sa hinanakit at malimit na pagkagutom, ito ay naglaho at nagbago. Pananaw ko lang na ang mga bakas na ito na naglaho ay dulot sa patuloy na patuloy na pagmamahal ng Ina sa kanyang anak, at pagtiis sa asawa. Isa siya sa mga halimbawa ng mga pinakamahalagang tao sa Noli Me Tangere, dahil walang maihahalintulad sa pagmamahal ng Ina sa anak.

--Wakas--
Salamat sa pagbabasa!